Mark Joseph Valdenaro

Si Mark ay nagsimulang magpinta taong 1997. Ang una niyang Art Exhibit na sinalihan ay sa Angono, Rizal. Sa ngayon, siya ay naka-base sa Irosin Sorsogon City at kasama sa mga nagtayo ng grupong IROSIN VISUAL ARTISTS. Ang grupong ito ay naglalayong mapahusay, tangkilikin, at i-develop ang kultura ng arts katambal ang pagtulong sa mga bagong sibol na mga artists upang mapagtibay at mapagtagumpayan ang kanilang talento sa larangan ng art.

Madami na rin mga nalahukang mga art contests at nakapagpadala ng obra sa ibang bansa si Mark. Impressionism at expressionism abstract ang kanyang nakasanayang gawin dahil diyan siya nakilala ng mga collectors. Ang mga obra niya ay naghahatid ng mga mensahe sa kasalukuyan at hinaharap na ang layunin ay makapagbigay saya at pagnilayan ang magandang kulay na nag sisimbulo sa buhay ng marami.

Instagram: @mjvaldenaro87_arts